November 22, 2024

Home BALITA National

Ofel, lumakas pa; ganap nang ‘severe tropical storm’

Ofel, lumakas pa; ganap nang ‘severe tropical storm’
Courtesy: PAGASA/FB

Mas lumakas pa at itinaas na sa “severe tropical storm” category ang bagyong Ofel na patuloy na kumikilos sa Philippine Sea, ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Nobyembre 12.

Base sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Ofel 780 kilometro ang layo sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Posibleng itaas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan Valley mamayang gabi o bukas, Miyerkules, ng madaling araw, Nobyembre 13.

Ayon din sa forecast track ng PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo sa susunod na tatlong araw at posibleng itataas sa “typhoon” category bukas o sa Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 14.

Inaasahan ding kikilos ang bagyong Ofel pa-west northwest sa Philippine Sea bago ito magla-landfall sa east coast ng Cagayan o Isabela pagsapit ng Huwebes ng tanghali o gabi.

Samantala, matatandaang kaninang 2:00 ng hapon nang lumabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Nika na humina na rin bilang “tropical storm.”