November 22, 2024

Home FEATURES BALITAkutan

Nanay at mga anak niya, nakaranas ng kababalaghan sa Labubu dolls?

Nanay at mga anak niya, nakaranas ng kababalaghan sa Labubu dolls?

Sikat na sikat ngayon bilang koleksyon ang "Labubu dolls" sa kabila ng mga naglalabasang ulat at posts na ito raw ay hindi dapat tangkilikin dahil sa pagiging simbolo ng "devil's pet."

Kaya naman, viral ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Prngls Adriatico" noong Nobyembre 10, matapos niyang ibahagi ang kababalaghang naranasan niya at ng mga anak, dahil sa Labubu dolls.

Kuwento ng netizen, nagulat na lamang siya nang mag-chat ang kaniyang mga anak na tila kakaiba raw, na hindi naman daw nangyayari noon, dahil puro voice message lang daw ang ginagamit ng anak niya kapag nag-uusap sila sa Messenger.

"Hindi ko alam ano napasok na negative sa isip ko. Pero simula ngayon never nako mag-aalok ng labubu. Lalo na for kids. Matutulog na sana kami kaso yung anak ko na bunso nag chat sa partner ko 11:44pm. Yes gising pa sya nyan kasi nga may okasyon bukas madami kami ginawa sa bahay di sya agad naka tulog, never nagchat ng ganyan samin yan dahil konti lang alam nyan ichat panay voice record lang alam nyan," kuwento ng netizen.

BALITAkutan

107-anyos na lola tinubuan ng sungay, pampahaba raw ng buhay?

Kalakip ng Facebook post ang screenshots ng mga mensaheng ipinadala umano ng anak sa kaniya, na sa kaniyang palagay, ay hindi nito magagawa. Kung babasahin nga raw ang laman ng chats ay para itong isang ritwal.

"Di din pwedeng anak kong dalawa gumawa nyan kasi magkahiwalay sila ng bahay, samin yung 2 kong anak yung bunso ko naman sa mama ko. Lola’s girl kasi sya. Check nyo pic sa dulo convo namin puro voice record lang kami ng bunso ko. Basahin nyo maigi chat ng anak ko, tumaas ang balahibo namin.(di din naman pwedeng mama ko gumawa nyan) at kung anak ko yan, bakit? Bakit ganyan yung chat?"

"Then yung pangalawa kong anak binangungot, gising daw sya pero di daw nya mahawakan bunso ko kahit nakikita daw nya bunso ko may kasama daw na babae yung bunso kong anak. Pero di daw sya maka galaw at makapag salita. Hindi ko sinisiraan ang labubu since fan din ako nyan at diko lang afford ang orig price, at seller din ako nyan. Base on my experience lang kaya ako nag share. Pero nasa inyo padin naman yan. Simula naging fan sila ng labubu may ganito nang eksena sa mga anak ko. Kapag tinagalog nyo yung chat ng anak ko parang ritwal."

"Ps: nagsira ng damit anak kong pangalawa para daw gawin nyang damit sa labubu nya. Grabe impact ng laruan sa anak ko diko alam kung dahil mapag mahal lang ba sa gamit anak ko kaya sya ganyan o may epekto na talaga yung laruan sa kanya/kanila.

"Bigla ako inatake ng anxiety ko," aniya pa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ako hindi po talaga ako fan dahil bukod sa price hindi din ako okay sa itsura nia. Hindi sia cute for me po, nakakatakot yung itsura nia na parang ginagawan ng way para maging cute para maka akit ng mga tao lalo na mga bata. Always claim Holy Blood ni Lord para ma protect kayo lalo na mga bata sa mga bad things po. Be safe po always."

"Tumaas ang balahibo ko ate sa chat ng baby mo po."

"ate ingatan mo bunso mo ndi biro yung chat s inyo nakakatakot para s isang bata n magsabi ng ganyan simba din kayo te para mabasbasan din baby mo"

"Kaya ako be di ako sunod sa uso lalo na sa mga ganyang laruan. Di ko pa alam kwento nyang labubu nagpapabili dn sakin tong dalawang bata pero talagang di ko binili ewan ko basta parang hndi ko sya gusto kahit ang cute ng labubu. Kinilabutan ako maigi sa chat ni caileen para nga syang ritwal na paulit ulit."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 6.6k, 11k shares, at 33 comments ang nabanggit na viral FB post.

Matatandaang isa sa mga celebrity na nagbigay ng babala sa pagtangkilik ng Labubu dolls ay si Kathleen Hermosa.

Para sa kaniya, kahit doll lamang ito, maaari kasi itong mag-penetrate sa utak ng isang tao kaya nararapat lamang na ingatan ang isip sa mga bagay na tinatangkilik.

Bilang isang Kristiyano, umiiwas daw si Kathleen sa mga bagay na alam niyang hindi magbibigay ng glory o kapurihan kay Hesukristo.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang mga celebrity na nangongolekta ng Labubu dolls.

MAKI-BALITA: Kathleen nanindigan sa pananaw sa Labubu craze: 'I don't find it cute!'