November 25, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, hinikayat si PBBM na ibalik na PH sa ICC: ‘Itama ang mali ni Duterte!’

Hontiveros, hinikayat si PBBM na ibalik na PH sa ICC: ‘Itama ang mali ni Duterte!’
Sen. Risa Hontiveros, Pres. Bongbong Marcos, at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

 

Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes, Nobyembre 12, na payagan na muli ang Pilipinas na bumalik sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).

Sa isang pahayag, iginiit ni Hontiveros na maitatama raw ni Marcos ang pagkakamali ng administrasyon ni Duterte hinggil sa madugong giyera kontra droga sa bansa sa pamamagitan ng ICC.

“The President can correct a monumental mistake by letting the Philippines rejoin as a state party to the Rome Statute of the International Criminal Court (ICC),” ani Hontiveros. 

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

“In the first place, the withdrawal from the ICC was prompted only by the selfish interests of former President Duterte… Para isalba ang sarili, pinahamak niya ang buong bansa at inalis sa mga Pilipino ang napakahalagang mekanismo ng katarungan,” dagdag niya.

Binanggit din ng senadora ang nangyari sa naging pagdinig Senado kamakailan kung saan inamin ni Duterte na siya ang responsable sa war on drugs at huwag daw panagutin ang mga pulis na ginagawa lamang ang kanilang mga trabaho.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’

“Inamin ni Duterte sa Senado na siya ang responsable sa madugong War on Drugs, kung saan maraming mahirap at kabataan ang napatay, pero abswelto ang mga kriminal na sagot ng pangulo,” giit ni Hontiveros.

“Why should we abandon our international commitments just so Duterte can avoid accountability for his crimes? Kung talagang may pagpapahalaga si Presidente Marcos sa hustisya at rule of law, sana ay itama niya ang mali ni Duterte at ibalik ang bansa sa ICC,” saad pa niya.

Matatandaang noong Oktubre 14 nang ipahayag ng Malacañang na hindi babalik ang Pilipinas sa hurisdiksyon ng ICC.

MAKI-BALITA: ‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang