January 23, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, pupunta sa Kamara para komprontahin quad comm – Panelo

Ex-Pres. Duterte, pupunta sa Kamara para komprontahin quad comm – Panelo
Dating Pangulong Rodrigo Duterte (Photo: Mark Balmores/MB)

Pupunta si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa bukas ng Miyerkules, Nobyembre 13, upang komprontahin ang House quad committee ukol sa kinanselang pagdinig hinggil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon, ayon kay dating presidential spokesperson Salvador Panelo.

Base sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Nobyembre 12, kinuwestiyon ni Panelo ang pagkansela ng quad comm sa pagdinig sa Miyerkules para ilipat sa Nobyembre 21, 2024 dakong 9:30 ng umaga.     

"Why after demanding his presence and accepting their invitation and coming here last night, they will just cancel it without prior notice?" ani Panelo.

"He will ask them to schedule a marathon hearing of ten days," dagdag pa niya.

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

Sa isa namang press conference nito ring Martes, sinabi ni Quad Committee overall chairman Robert Ace Barbers na noong nakaraang linggo pa raw nila naplano ang nasabing pagkansela ng pagdinig upang siyasatin ang mga affidavit ng resource persons na nais tumestigo.

Dagdag ni Barbers, kahapon ng Lunes pa umano nila sinabihan ang kanilang secretariat na magpadala ng abiso sa lahat ng mga miyembro at mga witness na hindi matutuloy ang pagdinig sa Miyerkules.

“Wala naman pong nagsabi sa amin na may aattend na sa Wednesday because as early as yesterday, we have already sent out cancellation notices,” ani Barbers.

Nagpadala naman daw ng sulat ang quad comm kay Duterte para sa nasabing pagkansela ng pagdinig at upang ipaabot ang kanilang imbitasyon para sa Nobyembre 21.