November 14, 2024

Home BALITA National

‘Di pa man nakalalabas si ‘Nika’: Bagyong Ofel, nakapasok na ng PAR

‘Di pa man nakalalabas si ‘Nika’: Bagyong Ofel, nakapasok na ng PAR
Courtesy: PAGASA/FB

Hindi pa man nakalalabas ang bagyong Nika, nakapasok na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagong bagyo na pinangalanang “Ofel,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes ng umaga, Nobyembre 12.

Base sa ulat ng PAGASA, pumasok ng PAR ang bagyong Ofel bilang isang “tropical storm” dakong 3:00 ng madaling araw. Ito ang ikatlong bagyo ngayong Nobyembre at ika-14 ngayong taon.

Huling namataan ang bagyong Ofel 1,170 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

National

Ex-pres. Duterte, hindi kilala si Atty. De Lima?

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

Sa ngayon ay wala pa namang direktang epekto ang bagyong Ofel sa alinmang bahagi ng bansa.

Samantala, patuloy pa rin namang nakaaapekto sa Hilagang Luzon ang Severe Tropical Storm Nika na huling namataan 185 kilometro ang layo sa kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

Dahil sa bagyong Nika, nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Ilocos Norte

Northern portion ng Ilocos Sur (Lidlidda, City of Candon, Galimuyod, Banayoyo, Burgos, Santiago, Santa Maria, San Esteban, Nagbukel, Narvacan, Caoayan, Santa, Bantay, City of Vigan, Santa Catalina, San Vicente, San Ildefonso, Santo Domingo, Magsingal, Cabugao, San Juan, Sinait)

Northern portion ng Apayao (Kabugao, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan, Flora), the northern and western portions of Abra (Tineg, Lagangilang, Bucay, Villaviciosa, Lagayan, San Juan, La Paz, Danglas, Pilar, San Isidro, Peñarrubia, Tayum, Dolores, Bangued, Pidigan, Langiden, San Quintin)

Western portion ng Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.)

Northwestern portion ng mainland Cagayan (Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Claveria)

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Nika sa susunod na 12 oras.

Bukod naman sa dalawang bagyo, may binabantayan din ang PAGASA na isang bagyo sa labas ng PAR, kung saan huli itong namataan 2,870 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Luzon. Wala pa rin naman daw itong epekto sa alinmang bahagi ng bansa.