December 06, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Carmina Villarroel, makikisali sa Widow's War?

Carmina Villarroel, makikisali sa Widow's War?
Photo Courtesy: GMA Network (FB)

Ipinasilip ang bagong karakter na papasok sa drama crime mystery series ng GMA Network na “Widow’s War.” 

Sa Facebook post ng GMA Network nitong Martes, Nobyembre 12, makikita ang poster kung saan naroon ang larawan ng isang babae na kalahati lang ng mukha ang kita.

“ANOTHER WIDOW JOINS THE WAR! ” saad nila sa caption.

Dagdag pa ng network: “This is going to be more exciting, so don't miss it this week on #WidowsWar.” 

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

Tila may ideya naman ang mga netizen kung sinong aktres ang nasa larawan. Narito ang kani-kanilang hula at reaksiyon:

"Mother knows best"

"Carmina ??"

"Lyneth Patay naba si RJ?"

"Mas okay siguro kung si moira at zoey "

"si lyneth dipa pagod sa patayan kaya ayan punta Naman sia sa widows war "

"Ay gagawin ni Lyneth dyan? Char"

"Paki sama n rin si moira"

"Baka sya yung ina ni rebecca. Kaya widow din sya tas tinago rin nya bangkay ng asawa nya. "

"Kase tapos na ang AKNP kaya pinasok na si Carmina Villarouel sa Widows War..siya ang bagong makakatapat ni Ms.Jean Garcia.."

"Ayos yan, salamat naman at idinagdag si Carmina. Napakagaling niya dati sa Widows Web eh. Barbara Sagrado! "

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmasyon kung si Carmina ba talaga ang artistang nasa larawan. Kaya abang-abang na lang muna sa “Widow’s War” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 am, sa GMA Prime.