Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Nika nitong Martes ng hapon, Nobyembre 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA, nakalabas ng PAR ang sentro ng Tropical Storm Nika kaninang 2:00 ng hapon.
Ilalabas naman daw ng weather bureau ang kanilang final Tropical Cyclone Bulletin para sa bagyong Nika mamayang 5:00 ng hapon.
Ang bagyong Nika ang naging ika-14 na bagyo sa bansa ngayong 2024.
Samantala, kasalukuyang umiiral sa loob ng PAR ang ika-15 bagyo ng bansa na bagyong “Ofel” na huling namataan 950 kilometro ang layo sa Southeastern Luzon, base sa 11 AM update ng PAGASA.