December 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)/Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda via Balita

Usap-usapan ang isang Facebook page kung saan nagpasaring daw si Chloe San Jose laban kay Comedy Queen Ai Ai Delas Alas matapos pumutok ang balitang hiwalay na sila ng asawang si Gerald Sibayan.

Sa isang Facebook page na ang pangalan ay "Miss Minchin," mababasa ang umano'y pag-share ni Chloe sa ilang online articles at balita patungkol sa pasabog na hiwalayan nina Ai Ai at Gerald.

Matatandaang "Team Nanay" si Ai Ai o pumapanig kay Angelica Yulo, ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, at nakapagbitiw pa ng ilang mga "pasaring" kay Chloe noon, tulad ng pagiging girlfriend pa lamang niya ni Caloy at hindi pa asawa.

Sa katunayan, tinupad pa niya ang pangakong tutulungan niya si Mommy Angge pagbebenta nito ng ilang items online, sa pamamagitan ng live selling.

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

MAKI-BALITA: 'Dalawang Tanging Ina?' Ai Ai, nakitambay sa live selling ni Angelica

"Chloe San Jose, may patama kay Ai-Ai delas Alas: 'Ang ginagawa mo sa iba, babalik din sa'yo ng 10x'," mababasa sa caption ng FB page na Miss Minchin.

"Ito ang sinabi ni Chloe San Jose kay Ai-Ai delas Alas:"

"'Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa'yo ng 10x ‍—it's just the universe's law .'"

Photo courtesy: Screenshot from Miss Minchin (FB)

Kalakip ng post ang ilang screenshots ng shared posts at komento ni Chloe patungkol sa mga balita kay Ai Ai. Makikitang ang Facebook account ay may "blue check" kaya nangangahulugang verified account ito ng jowa ni Caloy.

Photo courtesy: via Miss Minchin (FB)
Photo courtesy: via Miss Minchin (FB)

Ngunit nang sabihin ng netizens na wala naman sa FB account ni Chloe ang nabanggit na posts at baka fake news lang, sinabi ng admin sa likod ng page na naka-"Friends of Friends" lang ang posts, na nangangahulugang tanging mga "Friend" lamang ni Chloe ang makakakita umano nito, at hindi naka-public. 

"Not fakenews. Naka friends of friends lang. Galing 'to sa spy ko. Haha," claim ng Miss Minchin page.

Photo courtesy: via Miss Minchin (FB)

Personal na binisita ng Balita ang nabanggit na verified Facebook account ni Chloe San Jose, at wala nga ang nabanggit na posts at comments.

Ang makikitang huling Facebook post ni Chloe noon pang Nobyembre 1 habang sila ni Caloy ay nasa Tokyo, Japan (hindi makikita si Caloy sa photos).

Samantala, bukas naman ang Balita sa panig ni Chloe kung sakaling nais niyang ipaliwanag, linawin, o pabulaanan ang mga nabanggit na claims ng FB page na Miss Minchin.

Bukas din ang Balita sa panig ni Ai Ai Delas Alas.