June 14, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Panganay ni Ai Ai, na-shock sa hiwalayan ng ina at Gerald

Panganay ni Ai Ai, na-shock sa hiwalayan ng ina at Gerald
Photo Courtesy: Sancho Vito (IG0, Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tila hindi rin daw makapaniwala ang anak ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas na si Sancho Vito sa naging hiwalayan ng nanay niya at mister nitong si Gerald Sibayan.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Nobyembre 10, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na na-shock daw si Sancho sa kinahantungan ng relasyon ng dalawa.

“Na-shock din ang panganay na anak ni Ai Ai sa nangyari. Malungkot si Sancho Vito. Pero wala raw siyang ideya sa naging desisyon ng mama at step dad niyang si Gerald,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya: “Tina-try pa raw niyang alamin kung anong problema pero nauna nang nakapagdesisyon ang dalawa na maghiwalay na.”

Relasyon at Hiwalayan

Ruffa naguguluhan sa relasyon nina Richard, Barbie

Matatandaang nagsimulang umugong ang hiwalayan nina Ai Ai at Gerald nang ipahiwatig ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang tungkol dito sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, Gerald Sibayan split na nga ba?

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Ai Ai hinggil sa nasabing tsika ngunit inaasahan umanong magsasalita siya sa mismong kaarawan niya, Lunes, Nobyembre 11.