Bahayang humina ang bagyong Nika habang patuloy pa rin itong kumikilos sa Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Nobyembre 11.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Nika sa vicinity ng Besao, Mountain Province.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 200 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 4:
- Kalinga
- Mountain Province
- Northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, Lagawe)
- Central at southern portion ng Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Tubo, Danglas, Villaviciosa, La Paz, Licuan-Baay, Pilar, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)
- Northern at central portions ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Santa Maria, Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Narvacan, Quirino, Cervantes, Sigay, Salcedo, Santa Lucia, City of Candon, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Santa Cruz)
Signal No. 3:
- Northern portion ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela)
- Northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong)
- Central portion ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, San Mariano, Ilagan City, Benito Soliven, San Guillermo, City of Cauayan, Gamu, Naguilian, Alicia, Angadanan, San Isidro, City of Santiago, Echague, Jones, San Agustin, Delfin Albano, Quirino, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Ramon, Cordon)
- Southwestern portion ng Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat)
- Southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao)
- Mga natitirang bahagi ng Abra
- Mga natitirang bahagi ng Ifugao
- Northern portion ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun)
- Southern portion ng Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna)
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Signal No. 2:
- Northwestern at eastern portions ng Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga)
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Mga natitirang bahagi ng Quirino
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Mga natitirang bahagi ng Benguet
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
- La Union
- Northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)
- Northern at central portions ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
Signal No. 1:
- Babuyan Islands
- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan
- Mga natitirang bahagi ng Aurora
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija
- Bulacan
- Pampanga
- Tarlac
- Northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
- Northeastern portion ng Quezon (General Nakar) kabilang na ang Polillo Islands
Base sa forecast track ng PAGASA, tatawid ang bagyong Nika sa kalupaan ng mainland Luzon ngayong Lunes at babaybayin ang karagatan sa kanluran ng Ilocos Sur ngayong gabi.
Samantala, maaaring humina ang bagyo at ibaba sa “severe tropical storm” category habang tumatawid sa mainland Luzon dahil sa land interaction.
Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng umaga, Nobyembre 12.