May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Karla Estrada, bet mangialam sa problema ng ibang tao

Karla Estrada, bet mangialam sa problema ng ibang tao
Photo Courtesy: Screenshot from Maricel Soriano (YT)

Ibinahagi ng TV host-actress na si Karla Estrada kung ano nga ba ang interes niya sa buhay nang kapanayamin siya ni Diamond star Maricel Soriano.

Sa latest episode ng vlog ni Maricel kamakailan, sinabi ni Karla kung ano ang susunod niyang hakbang ngayong wala na siya sa “Face to Face.”

“Ngayon, bumubuo naman ako na parang…gusto ko pa rin parang kawanggawa. Gusto ko pa rin parang public service na show,” saad ni Karla.

Dagdag pa ng TV host-actress: “Iyan pa rin ang gusto ko talaga. Gusto kong makialam sa problema ng mga tao.”

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo na ng TV5 ang bagong host na hahalili kay Karla sa “Face To Face” na walang iba kundi ang broadcast-journalist na si Korina Sanchez.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

MAKI-BALITA: Korina Sanchez, opisyal nang host ng 'Face To Face'

Pero bago maging host sa nasabing tabloid talk show, nagsilbi ring host si Karla sa lifestyle-morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.