July 16, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

BINI, wagi sa 'Best Asia Act' category ng 2024 MTV EMA

BINI, wagi sa 'Best Asia Act' category ng 2024 MTV EMA
Photo courtesy: BINI (FB/X)

Nagwagi ang Nation's girl group na "BINI" sa 2024 MTV Europe Music Awards (EMA), ayon mismo sa anunsyong ipinost nila sa kanilang X account.

"BINI wins Best Asia Act at this year’s MTV EMA!" mababasa sa post ng BINI.

"This honor means the world to us, seeing Filipino music shine on the global stage."

"Maraming salamat po!"

BINI ang nanaig laban sa kanilang mga katunggali mula sa ibang Asian countries gaya ng "ILLIT" (South Korea), "Mahalini" ng Indonesia, "MASDO" ng Malaysia, at "Sakurazaka46" ng Japan.

Musika at Kanta

SB19, Ben&Ben, iba pang OPM artists nagpasiklab sa Araneta!

Ang BINI ay binubuo ng walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena, at Jhoanna, na pinamamahalaan naman ni Direk Laurenti Dyogi ng ABS-CBN.