Nag-landfall na ang mata ng bagyong Nika sa kalupaan ng Dilasag, Aurora nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 11, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa update ng PAGASA, tumama ang mata ng Typhoon Nika sa Disalag dakong 8:10 ng umaga.
“At 8:10 AM today, based on all available data including from Baler Weather Radar, the center of the eye of Typhoon #NikaPH (TORAJI) has made landfall in the vicinity of Dilasag, Aurora,” saad ng weather bureau.
Maglalabas naman ng susunod na update ang PAGASA hinggil sa lagay ng bagyo mamayang 11:00 AM.