December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Zanjoe, nagsalita na tungkol sa hindi nila pagsasapubliko sa baby nila ni Ria

Zanjoe, nagsalita na tungkol sa hindi nila pagsasapubliko sa baby nila ni Ria
Photo Courtesy: Zanjoe Marudo (FB)

Nagbigay na ng pahayag si Kapamilya actor Zanjoe Marudo tungkol sa hindi nila pagsasapubliko sa pangalan at mukha ng panganay nila ng misis niyang si Ria Atayde.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, Nobyembre 10, sinabi ni Zanjoe na hindi raw naman nila ipinagkakait ang anak nila sa publiko gaya ng iniisip ng marami.

“Hindi ko iniisip ‘yong face reveal o name reveal. ‘Pag may gustong makita, pinapakita ko, sinasabi ko ‘yong pangalan. Pero hindi naman sa ia-announce ko sa buong… sa online,” lahad ni Zanjoe.

“Kung sino ang may gusto, pinapakita ko naman. Masyado pa siyang bata, masyado pa siyang maliit. Wala pa siyang two months, e. [...] Hindi ko makita ‘yong point kung bakit siya i-expose sa online,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng aktor: “Proteksiyon din e, kasi alam n’yo naman ngayon marami na ring nag-identity theft sa social media, ang dami nang mga fake news. So, huwag na lang.”

Pero base sa paglalarawan ni Zanjoe, masyado raw maputi ang panganay nila ni Ria at kahawig pa nga raw niya.

‘Yong birthmark namin, parehas na parehas na puwesto, parehas na kulay. ‘Yon dito sa right [arm],” saad niya.

Matatandaang Setyembre nang ianunsiyo ni Zanjoe sa pamamagitan ng isang Facebook post ang panganganak ni Ria.

MAKI-BALITA: Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo