December 09, 2024

Home BALITA National

‘Nika’ napanatili ang lakas; 8 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal #2

‘Nika’ napanatili ang lakas; 8 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal #2
Courtesy: PAGASA/FB

Itinaas na sa Signal No. 2 ang walong mga lugar sa Luzon dahil sa Severe Tropical Storm Nika na napanatili lakas habang kumikilos pakanluran sa silangan ng Infanta, Quezon, ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 10.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika 500 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Dahil dito, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signals ang mga sumusunod na lugar sa Luzon.

Signal No. 2:

Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

Isabela

Quirino

Southern portion ng Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile)

Nueva Vizcaya

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Signal No. 1:

Northern portion ng Metro Manila (City of Navotas, City of Valenzuela, City of Malabon, Caloocan City, City of Marikina, City of Pasig, Quezon City)

Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Apayao

Abra

Ilocos Norte

Ilocos Sur

Eastern at central portions ng Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan, Basista, Villasis, Malasiqui, San Fabian, Urbiztondo, Bautista, Mangaldan, Mapandan, Rosales, Dagupan City, Binalonan, Aguilar, Alcala, San Manuel, Asingan, Santo Tomas, Pozorrubio, Santa Maria, City of Urdaneta, Laoac, Mangatarem, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bayambang, Calasiao, Santa Barbara, Balungao, Sison, Lingayen, Bugallon, Labrador)

La Union

Benguet

Mga natitirang bahagi ng Aurora

Tarlac

Nueva Ecija

Pampanga

Bulacan

Rizal

Northeastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana)

Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kabilang na ang Polillo Islands

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Nika pa-west northwest sa buong forecast period, at posible itong mag-landfall sa Isabela o Aurora sa bukas, Lunes, ng umaga o bago magtanghali, Nobyembre 11.

Inaasahang itataas sa “typhoon” category ang bagyo ngayong Linggo. Posible naman itong panandaliang humina dahil sa pagbaybay nito sa kalupaan ng Luzon, ngunit maaaring muling lumakas sa West Philippine Sea (WPS).

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng tanghali o gabi, Nobyembre 12.