December 06, 2024

Home BALITA National

Nika, malapit nang maging ‘typhoon’; 15 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal #2

Nika, malapit nang maging ‘typhoon’; 15 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal #2
Courtesy: PAGASA/FB

Malapit nang itaas sa “typhoon” category ang bagyong Nika na patuloy na kumikilos pakanluran sa silangan ng Infanta, Quezon, ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 10.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika 380 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Dahil dito, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 2:

- Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

- Isabela

- Quirino

- Southern portion ng mainland Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Rizal, Piat, Tuao, Gattaran, Lasam)

- Nueva Vizcaya

- Southern portion ng Apayao (Kabugao, Conner, Flora, Pudtol)

- Abra

- Kalinga

- Mountain Province

- Ifugao

- Benguet

- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)

- Southern portion ng Ilocos Sur (Narvacan, Nagbukel, Cervantes, Quirino, San Emilio, Santa Maria, Burgos, San Esteban, Santiago, Lidlidda, Banayoyo, City of Candon, Galimuyod, Salcedo, Gregorio del Pilar, Sigay, Santa Lucia, Santa Cruz, Suyo, Alilem, Tagudin, Sugpon)

- La Union

- Northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)

Signal No. 1:

- Metro Manila

- Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Ilocos Norte

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Mga natitirang bahagi Pangasinan

- Mga natitirang bahagi ng Aurora

- Tarlac

- Northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)

- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija

- Pampanga

- Bulacan

- Rizal

- Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)

-Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kabilang na ang Polillo Islands

- Camarines Norte

- Camarines Sur

- Catanduanes

- Northeastern portion of Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Nika pa-west northwest sa buong forecast period, at posible itong mag-landfall sa Isabela o northern Aurora bukas, Lunes, ng umaga o bago magtanghali, Nobyembre 11.

Inaasahang itataas sa “typhoon” category ang bagyo ngayong Linggo. Posible naman itong panandaliang humina dahil sa pagbaybay nito sa kalupaan ng Luzon dahil sa land interaction, ngunit maaaring muling lumakas sa West Philippine Sea (WPS).

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng tanghali, Nobyembre 12.