Mas lumakas pa ang bagyong Nika at itinaas na ito sa kategoryang “severe tropical storm,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo ng umaga, Nobyembre 10.
Sa tala ng PAGASA kaninang 5 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika 690 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 2 ang southeastern portion ng Isabela (Dinapigue) at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan).
Nakataas din sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Southern portion ng Cagayan (Tuguegarao City, Peñablanca, Enrile, Solana, Iguig)
Mga natiitrang bahagi ng Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Southeastern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Rizal, Tanudan)
Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig)
Ifugao
Eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan)
Mga natitirang bahagi ng Aurora
Nueva Ecija
Northeastern portion ng Pampanga (Candaba, Arayat)
Northern at eastern portions ng Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat)
Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar) kabilang na ang Polillo Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Northeastern portion ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)
Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Nika pa-west northwest sa buong forecast period, at posible itong mag-landfall sa Isabela o Aurora sa bukas, Lunes, ng tanghali, Nobyembre 11.
Inaasahang unti-unti pang lalakas ang bagyo at aabot sa “typhoon” category ngayong Linggo. Posible naman itong humina dahil sa pagbaybay nito sa kalupaan ng mainland Luzon, bagama’t bahagya itong lalakas sa pagkilos sa West Philippine Sea )WPS). Gayunpaman, mananatili raw sa “severe tropical storm” category ang bagyo sa kabuuan ng forecast period.