December 23, 2024

Home BALITA

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls
Photo courtesy: EcoWaste Coalition/Facebook

Nagbabala sa publiko ang EcoWaste Coalition, hinggil sa mga umano’y kemikal na bumubuo sa mga hindi awtorisadong Labubu dolls.

Sa inilabas na pahayag ng EcoWaste noong Sabado, Nobyembre 9, 2024, sinabi nitong kalimitan daw sa mga hindi awtorisadong Labubu dolls na may taglay na kemikal ay mga mabibili sa Divisoria. 

“As expected, the Labubu-inspired products, the toys in particular, are sold without the required authorization and labeling information. Out of the 42 items purchased by the group, five were partially labeled, and the rest had no labels at all,” anang Coalition.

Iginiit din ng EcoWaste na kalimitan sa mga kemikal na natagpuan sa mga ito ay lead chemicals na lubha raw mapanganib sa kalusugan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, ayon naman sa World Health Organization (WHO) maaari raw magdulot ng problema sa nervous system at magdulot ng kamatayan ang naturang mga kemikal kapag na-expose dito ang isang tao.

“Lead exposure can have serious consequences for the health of children. Exposure to very high levels of lead can severely damage the brain and central nervous system causing coma, convulsions and even death,” saad ng WHO.

Maaari din umanong magkaroon ng permanenteng epekto sa kalusugan, lalo na raw sa mga bata, ang kemikal na nabanggit.

“Children who survive severe lead poisoning may be left with permanent intellectual disability and behavioral disorders.”

Kate Garcia