December 23, 2024

Home BALITA Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina
(Photo: Pixabay)

Isa pa lamang sa 43 unggoy na nakatakas sa isang medical research compound sa South Carolina ang ligtas na muling naibalik sa pasilidad, ayon sa mga lokal na opisyal nitong Sabado, Nobyembre 9.

Base sa pahayag ng pulisya, makikita pa rin ang karamihan sa mga unggoy ilang yarda ang layo mula sa property, tumatalon pabalik-balik sa ibabaw ng bakod ng pasilidad.

Hindi raw masyadong na-lock ng isang empleyado sa Alpha Genesis facility sa Yemassee ang pinto nang pakainin at bisitahin ang mga unggoy noong Miyerkules, Nobyembre 6.

Sinabi naman ng CEO ng Alpha Genesis na si Greg Westergaard na nagpapatuloy ang kanilang pagsisikap upang mabawi ang lahat ng mga hayop.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Halos kasing laki raw ng pusa ang nasabing mga unggoy, at lahat sila ay mga babae na tumitimbang ng mga 7 pounds (3 kilo).

Ayon sa Alpha Genesis, federal health officials at pulisya, walang panganib ang mga unggoy sa kalusugan ng publiko. 

Ang pasilidad umano ay nagpaparami ng mga unggoy upang ibenta sa mga medikal at iba pang mga mananaliksik.

– Associated Press