Nagbigay ng bagong health updates si Queen of All Media Kris Aquino patungkol sa kaniyang gamutan kaugnay ng kaniyang anim na autoimmune disease.
Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Nobyembre 10, inisa-isa ni Krissy ang medical procedures na kaniyang pinagdaanan para sa kaniyang gamutan, kalakip ang isang larawan ng sitwasyon niya sa isang ospital sa Makati. Kasama umano sa mga tumingin sa kaniya ang kaniyang boyfriend na si Dr. Mike Padlan.
"Exactly 2 weeks ago, i had an Ultrasound guided PICC LINE INSERTION, the minimally invasive surgery was done in Makati Medical Center. I would like to thank everyone in MMC for their genuine concern for my safety & wellbeing while confined- from those in the OR, all the doctors & residents who were monitoring me, the nurses in the 9th floor, and the security team- MARAMING SALAMAT sa INYO!" ani Kris.
"I always try my best to highlight the positive because having 6 autoimmune conditions is depressing (hindi po ako nagkamali, in my last update i had 5 diagnosed autoimmune disorders, but just like the Pop Mart Care Bears na 6 ang laman given to me by my new friends @rouge_and_orange #6 is the supremely punishing RHEUMATOID ARTHRITIS)…"
"This picture was taken by my pain management doctor, @rainiertanalgo. In the picture you can clearly see my adopted younger sister immunodermatologist @drkatcee who is stressed with my ever growing list of medicinal and food allergies; partially seen was my excellent vascular surgeon Dr. James Illescas, not pictured is our family’s trusted anesthesiologist Dr. Jonnel Lim who crossed the “border” (again thank you MMC for saying yes to our request) and clearly visible is surgeon Dr. Mike Padlan. (Pinangalanan ko na po sya)."
Sa puntong ito, sinabi ni Kris na kahit gaano raw siya katapang, sumagi na raw sa isip niya kung kaya pa ba niya ang mga hamon sa kaniyang kalusugan.
"Kahit gaano katapang ako, there are moments especially pag nagsabay sabay my unexplainable allergies, my lupus (rashes, fever like heat in my entire body, migraine) and rheumatoid arthritis flares (the worst, stabbing/crushing deep bone pain in my knees, hips, ankles) plus my high blood pressure (170/116); i ask myself KAYA KO PA BA?"
"During my hospitalization, my WBC dropped… i also had a bad allergic reaction to the last antibiotic i could still tolerate. What did that mean- wala na kong panlaban sa kahit anong viral or bacterial infection. I’m now in isolation. So many rules for family & friends na gusto akong dalawin. Yes, it’s lonely."
Sa huli, sinabi ni Kris kung sino ang dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang lumalaban, kaya hindi raw siya susuko.
"What keeps me going? I REFUSE TO DISAPPOINT ALL THOSE PRAYING FOR ME. Ayokong maisip nyo na binalewala ko yung time & effort ninyo. Because your compassion has deeply touched my heart. Kaya #bawalsumuko #tuloyanglaban " aniya.
Kamakailan lamang ay napabalita ang muli niyang pagbabalik-telebisyon, at isa raw sa mga umaasikaso nito ay ang kaibigan at segment producer sa ABS-CBN na si Darla Sauler.
MAKI-BALITA: Darla Sauler, excited sa comeback ni Kris Aquino MAKI-BALITA: Kris may nilulutong bagong show, magbabalik-TV na?