November 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kara David sa pagkakaroon ng bipolar disorder: 'It's a gift'

Kara David sa pagkakaroon ng bipolar disorder: 'It's a gift'
Photo Courtesy: Kara David (IG)

Binuksan ni award-winning Kapuso broadcast-journalist Kara David ang tungkol sa pagkakaroon niya ng bipolar disorder.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Nobyembre 9, inusisa si Kara ng pinsan at kapuwa niya mamamahayag na si Karmina Constantino tungkol sa nasabing mental illness.

“Hindi ka ba natakot when you came out into the open and revealed to everyone na you had this bipolar disorder? [...] Na baka mag-iba ‘yong impression sa ‘yo ng ibang tao?” tanong ni Karmina.

Hindi,” sagot ni Kara. “Having bipolar disorder, hindi ko siya tinitingnan as disorder. Actually, tinitingnan ko siya as a gift. “

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Feeling ko, may super power ako. Ay, naku! Tayong mga may bipolar may super power tayo. Suwerte tayo. But really that’s how I look at it. I look at it as a gift,” dugtong pa niya.

Ayon kasi sa broadcast-journalist, kapag nasa manic stage daw siya ay mas mabilis siyang nakakasulat at mas nagiging malikhain.

“Parang, alam mo ‘yon, nakikita ko lang parang lumilipad ‘yong mga words tapos kinukuha mo lang siya nang gano’n. Tapos parang makulay lahat ng bagay,” aniya.

Kaya naman—ayon kay Kara—kapag naging bukas ang isang tao sa kaniyang mental health situation ay mas matututunan niya kung paano mabuhay kasama nito.

Matatandaang nauna nang nabanggit ni Kara ang tungkol dito nang sumalang siya sa podcast ni Nelson Canlas noong Mayo 2023.