December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kara David, 'di bet gawin ang dokumentaryong 'Kapalit ng Katahimikan'

Kara David, 'di bet gawin ang dokumentaryong 'Kapalit ng Katahimikan'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs, IWitness (FB)

Ibinahagi ng award-winning Kapuso broadcast-journalist na si Kara David ang kuwento sa likod ng kontrobersiyal niyang dokumentaryo na “Kapalit ng Katahimikan.”

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Nobyembre 9, inamin ni Kara na hindi raw talaga niya gusto ang istorya ng nasabing dokumentaryo.

Nakasentro ang kuwento ng “Kapalit ng Katahimikan” sa danas ng tatlong kabataang babae na nakaranas ng sekswal na abuso sa Maguindanao.

“Ayaw ko ‘yong istorya. No’ng ibinigay sa amin ‘yong istorya, March pa ‘ata. Ta’s hindi namin ginagawa. Kasi ayaw ko talaga. Ako, personally, pati ‘yong buong team ko na majority,” saad ni Kara.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“‘Yong researcher ko ang nakahanap ng story na ‘yon tapos no’ng pinitch niya sa amin, sinabi agad ng program manager namin na parang ‘ang ganda, ang ganda ng istorya,’” wika niya.

Dagdag pa ng broadcast-journalist, “Nong sinabi sa amin na ang ganda ng istorya, ang initial reaction ko was ‘kailangan ba ako ang gumawa nito?’ Kasi ayaw ko talagang gawin.”

Paliwanag ni Kara, hindi raw siya nanonood ng kahit na anong pelikula, dokumentaryo, o teleserye na nagtatampok ng paksang may kinalaman sa rape.

Pero napagtanto raw ng team nila na gagawin din naman daw kalaunan ng ibang tao ang istorya ng tatlong babae na biktima ng rape.

Aniya, “I just want to caution the pain ng mga victim. So sabi ko, sige gawin ko na lang.”