December 23, 2024

Home BALITA National

DOLE, may job fair para sa mga mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng POGO

DOLE, may job fair para sa mga mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng POGO
Photo courtesy: Department of Labor and Employment/Facebook and pexels

Muling magkakasa ng malawakang job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga indibidwal na naapektuhan sa pagpapatigil ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa darating na Nobyembre 19-20, 2024 magsisimula ang nasabing job fair, alinsunod sa naging opisyal na anunsyo ng DOLE sa kanilang Facebook post. 

Matatandaang noong Oktubre nang maunang magsagawa ang DOLE ng nasabing programa kung saan tinatayang 108 mga dating empleyado ng POGO ang nakatanggap ng nasa 13,744 job offers.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, tanging 33 indibidwal lamang ang natanggap sa on the spot hiring mula sa kabuuang 340 job seekers na nagparehistro noong Oktubre. 

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nananatili umanong bukas ang DOLE para sa tinatayang 79,735 POGO workers na direktang maaapektuhan sa pagpapatigil ng operasyon ng POGO hanggang Disyembre 31, 2024.

Hulyo nitong taon nang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang total ng ban para sa lahat ng POGO sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH

Habang kamakailan lamang ay naglabas din ang Pangulo ng Executive Order No. 4 na siya namang nag-uutos sa pagpapatigil ng operasyon ng online POGO sa buong Pilipinas.

KAUGNAY NA BALITA: POGO operations sa bansa, ipinatitigil na ni PBBM

Samantala, inanunsyo din ng DOLE na mas mainam daw na magregister muna ang mga aplikante via online, sa kanilang pre-registration link at saka magdala ng kaukulang dokumento sa mismong araw ng job fair.

-Kate Garcia