November 13, 2024

Home BALITA National

DepEd, balak pasimplehin ang Senior High School curriculum

DepEd, balak pasimplehin ang Senior High School curriculum
Photo courtesy: Department of Education website

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Edgardo Angara na binabalak nilang rebyuhin ang kurikulum ng Senior High School upang mabawasan ang ilang mga asignatura at makapagpokus ang learners sa work immersion.

“So, we must have flexibility in our system. If we reduce the subjects of our SHS curriculum, the students will have more time for the on-the-job training or work immersion needed by the industry so that our senior high school graduates will become more employable even if they lack work experience,” pahayag ng kalihim sa 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia.

“So, we’re on the right direction to reduce the core subjects of our SHS curriculum to just five or six subjects,” dagdag pa niya.

Kamakailan lamang ay nasabi na rin ni Angara na masyado na raw "crowded" ang basic education curriculum ng Pilipinas ayon sa education experts mula sa ibang bansa.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Nakipagpulong din si Angara sa ilang consultants mula sa Asian Development Bank (ADB) upang humingi ng mungkahi sa magiging nilalaman ng SHS curriculum lalo na sa English, Science, at Math na nakaangkla sa standards at curriculum guides.

Kamakailan lamang, naging usap-usapan na ang isa sa mga asignaturang nanganganib bawasan sa SHS ay ang asignaturang Filipino, bagay na pinalagan naman ng mga guro, edukador, at dalubwika.

MAKI-BALITA: Asignaturang Filipino sa SHS binabalak alisin, bawasan?