January 22, 2025

Home BALITA

₱50M dormitory para sa evacuees, athletes itatayo sa Negros Occidental

₱50M dormitory para sa evacuees, athletes itatayo sa Negros Occidental
Photo courtesy: Manila Bulletin/website

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ang plano para sa pagpapatayo ng tinatayang ₱50M halaga ng dormitoryo sa kanilang lalawigan.

Ang naturang gusali ay nakatakdang maging evacuation center at dormitoryo para sa mga atleta na kaya raw magkanlong ng nasa 5,000 katao na nakatakdang itayo sa Panaad Park and Stadium.

Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz II, aprubado na raw ni Negros Governor Eugenio Jose Lacson ang nasabing proyekto na nakatakda na raw mabigyang prayoridad bilang parte daw ng kanilang disaster response initiatives.

“Our biggest step is to come up with the final plans. We already have the plans,” ani Diaz sa kaniyang panayam sa media. 

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Paglilinaw din niya, sa sariling pondo raw ng kanilang provincial government magmumula ang pagpapatayo sa nasabing 10 gusali. 

Isa rin daw kasi sa pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ay ang lumalalang banta ng patuloy na aktibidad ng bulkang Kanlaon sa kanilang probinsya.

Dagdag pa ni Diaz, binubuo ng limang palapag ang nasabing gusali na maaaring magamit sa mga sporting events.

“If the athletes have training, they can use it. If we have hosting of big sports events, it will also be utilized.”

-Kate Garcia