November 13, 2024

Home BALITA National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!
Photo courtesy: University of the Philippines/website and pexels

Nananatili pa ring hawak ng University of the Philippines (UP) ang unang puwesto bilang top university sa Pilipinas, batay sa inilabas na survey at datos ng Quacquarelli Symonds (QS) Asia University rankings for 2025.

Ayon sa QS, nakopo rin ng UP ang ika-20 puwesto para naman sa top universities sa Southeast Asia, na may 196 na mga unibersidad, habang na-solo rin nito ang ika-86 namang puwesto mula sa kabuuang bilang ng 984 na paaralan sa buong rehiyon ng Asya. 

Nakakuha ng kabuuang 60.6 score ang UP mula sa QS, dahilan kung bakit bahagyang bumaba ang ranking nito kumpara noong 2023 kung saan nasa 78th spot ito. 

Samantala, kaugnay pa rin ng naturang inilabas na datos noong Nobyembre 6, 2024, kinumpleto ng Ateneo De Manila University (rank 142nd), De La Salle University (rank 163rd) at University of Santo Tomas (rank 181st) ang listahan ng tinaguriang “Big Four” ng bansa, na makasama sa QS Asia University rankings. 

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Pasok din San Marcelino based Adamson University na nasa pagitan ng rankings ng 411-420, ang University of San Carlos sa Cebu na nasa 481-490, Polytechnic University of the Philippines na nasa 541-620, Mapua University na nasa 561-580, Silliman University na nasa 601-620 at Far Eastern University na nasa 681-700 Asian ranking.

Samantala, nanguna naman sa SouthEast Asia ang unibersidad mula sa Singapore na National University of Singapore habang Peking University naman ang umangkin ng number one spot sa Asian ranking na matatagpuan sa bansang China. 

Kate Garcia