January 22, 2025

Home BALITA

Snow sa Mt. Fuji, unti-unti nang nasisilayan

Snow sa Mt. Fuji, unti-unti nang nasisilayan
Photo courtesy: screenshot from AP News/YouTube

Unti-unti na raw nasisilayan ang pamosong “snow cap” ng tanyag na bulkan ng Mt.Fuji sa Japan.

Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, lumilitaw na umano ang snow sa paligid ng Mt. Fuji, matapos maiulat kamakailan ang pagkaantala sa paglitaw nito, matapos ang tinatayang 130 taon.

KAUGNAY NA BALITA: Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon

Una raw naispatan ang pagkakaroon ng yelo sa paligid ng nasabing bulkan noong Nobyembre 6, 2024 batay sa ulat ng Japan Meteorological Agency na nakabase sa Shizuoka. Tuluyan naman itong kinumpirma ng nasabing ahensya noong Huwebes, Nobyembre 7, at sinabing ito na raw ang pagsisimula ng pagkakaroon ng snow sa Mt. Fuji.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kalimitan daw na nagsisimulang mabalot ng yelo ang nasabing bulkan sa tuwing sasapit ang unang linggo ng Oktubre, ngunit bahagya itong naantala ngayong taon, na siyang kinumpirmang pinakamatagal na pagkaantala dito.

Matatandaang nauna na ring ihayag ng naturang ahensya na isa umano ang climate change sa nakaapekto sa pagbabago ng aktibidad sa palibot ng bulkan. 

“Because of the fact that high temperatures in Japan have been continuing since the summer and as it has been raining, there has been no snowfall,” anang ahensya. 

Kate Garcia