November 13, 2024

Home BALITA National

LPA sa loob ng PAR naging bagyo na, pinangalanang ‘Nika’

LPA sa loob ng PAR naging bagyo na, pinangalanang ‘Nika’
Courtesy: PAGASA/FB

Naging ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanan itong “Nika,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado umaga, Nobyembre 9

Ayon sa PAGASA, naging tropical depression ang LPA dakong 8:00 ng umaga, kung saan huli itong namataan sa silangan ng Southern Luzon.

Ito ang ikalawang bagyo sa Pilipinas ngayong Nobyembre at ang ika-14 taong ito.

Magsisimula ang paglalabas ng PAGASA ng Tropical Cyclone Bulletins para sa bagyong Nika mamayang 11:00 AM. 

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Inabisuhan naman ng weather bureau ang publiko na manatiling nakaantabay sa kanilang updates hinggil sa bagyo.