December 23, 2024

Home BALITA Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, Bongbong Marcos/Facebook

Tahasang pinalagan ng China ang dalawang batas na ipinasa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong Biyernes, Nobyembre 8, 2024 na naglalayong mapaigting ang maritime zones ng bansa. 

Kasunod ng paglagda ng Pangulo sa Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act, naglabas ng opisyal na pahayag ang Ministry of Foreign Affairs ng China at inihayag ang kanilang mariing pagtutol sa naturang mga batas.

“China will firmly oppose any infringement activities and provocations by the Philippines in the South China Sea based on the act,” ani Ministry Spokesperson na si Mao Ning, sa isang press conference noong Nobeymbre 8.

Saad pa ng China, ang naturang mga batas ang mas lalo raw magdidiin sa ilegal na aktibidad ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na siya namang kinikilala nito bilang South China Sea. 

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“The Philippines seeks to justify its illegal claims and actions in the South China Sea by approving the so-called Maritime Zones Act in the name of implementing UNCLOS,” anang Spokesperson. 

Matatandaang inihayag ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati noong Nobyembre 8 na ang dalawang bagong lagdang batas ay siyang mensahe ng bansa sa international communities, na ang contested WPS ay pagmamay-ari ng Pilipinas.

“The Philippines reaffirms its sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in our waters. By defining and asserting our maritime zones, we project to the international community that we are staunchly committed to nurturing, cultivating, and protecting our maritime domain,” giit ni Marcos.

Samantala, nanindigan ang China sa pagkondena rito at sinabing nilalabag daw ng Pilipinas ang karapatan nila sa South China Sea.

“This move severely violates China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea. We strongly condemn and firmly oppose it,” ani Mao.

Wala pang inilalabas ng pahayag si Marcos, maging ang Department of National Defense hinggil sa naging tugon ng China. 

Kate Garcia