Ibinahagi ng car enthusiast/racer-social media personality na si Angie Mead King ang video footage ng pagkasunog ng kaniyang sports car habang gumagawa siya ng content at nagmamaneho sa kahabaan ng isang kalsada.
Noong Nobyembre 7, nagliyab ang likurang bahagi ng kotse ni Angie habang namamaybay sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX), matapos niyang lisanin ang Biñan, Laguna.
Binusinahan daw si Angie ng mga katabing sasakyan, at pagtingin niya sa side mirror, doon na niya natuklasang nag-aapoy na ang bandang trunk.
Tiniyak naman ni Angie na nasa maayos siyang kalagayan, kalmado, at mabilis na nakaalis mula sa sasakyang nasusunog at naitabi pa ito.
Sa kaniyang Instagram post ay ipinakita naman ni Angie ang mga naganap, sa pamamagitan ng kaniyang video nang mga sandaling iyon, habang gumagawa ng content.
"Thank you for checking in on me, I’m alive and lungs feel fine now. It was a short lived experience and I think the NSX is a pure drivers car. One day I’ll get another one for sure but for now I’ll live another day."
"Thank you to the Good Samaritan for picking me up on SLEX, The fire, towing and SLEX police were amazing and wanted to thank them for the speedy service. This was traumatic to say the least and a fire extinguisher wouldn’t have put out the flames at all," saad ni Angie sa kaniyang Instagram post.
Sa palagay niya raw ay "fueling issue" ang ugat ng nabanggit na pag-apoy ng sasakyan.
Samantala, sa video naman ng insidente ay itinanggi ni Angie na hindi siya nagmamaneho nang mabilis at nasa tamang usad lamang.
"Here is the video from inside the car. People were saying I was driving really fast when I wasn’t. I tried to save my OBD scanner in the back of the car also but it was burnt to a crisp. The car was in break in mode and I was vlogging how happy I was until I caught "
Tugon naman dito ng kaniyang misis na si Joey Mead King, "When the vlog captures the exact moment the NSX lights up..is pure real life situation. Still handled calmly Angie style."
Pinuri naman ng mga netizen si Angie dahil sa kalmado niyang pag-alis sa kaniyang sitwasyon.