January 22, 2025

Home BALITA

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte
Photo courtesy: Maria Gemma Destriza (Facebook)

Nasa 57 kilos ng shabu ang natagpuang nakasilid sa sa mga Chinese tea bag, nang magkaroon ng inspeksyon ang mga awtoridad sa Liloan Port Terminal sa Liloan, Southern Leyte.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV nitong Biyernes, Nobyembre 8, nasamsam daw ang mga ipinagbabawal na droga sa Chinese tea bag sa tulong ng K9 unit, na nakalagay naman daw sa isang abandonadong sport utility vehicle (SUV) bandang 1:50 ng madaling-araw.

Ang nabanggit na SUV ay ilan lamang sa mga kargamentong lulan naman ng isang vessel mula sa Surigao City.

Sinasabing aabot umano sa ₱387 milyon ang halaga ng drogang nasakmat sa nabanggit na pantalan. Natuklasan ang nabanggit na mga droga nang magsagawa ng narcotics at explosives inspection ang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Coast Guard (PCG), at mga lokal na pulis sa nabanggit na port.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hindi pa tukoy kung sino ang nagmamay-ari ng abandonadong SUV kung saan nakasilid ang mga Chinese tea bag, na pinaglagyan naman ng mga shabu.