December 26, 2024

Home BALITA Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11
Photo Courtesy: Freepik

Ipatutupad umano sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) ang mandatong magtatakda sa presyo ng bigas na ₱45 kada kilo simula sa Lunes, Nobyembre 11.

Sa ulat ni Bernadette Reyes sa “24 Oras” noong Biyernes, Nobyembre 8, ang pagpapatupad umanong ito ay bunga ng diyalogo sa pagitan ng Department of Agriculture at ng mga pinuno ng market associations sa iba’t ibang lupalop ng NCR. 

Ayon umano sa napagkasunduan, ₱3 to ₱5  dapat ang kikitain ng manininda sa kada kilong maibebenta niya.

Sa pahayag ni Agriculture spokesperson Arnel de Mesa, umaasa raw sila na ang ₱45 ang magiging standard na presyo sa bawat kilo ng bigas–mapa-regular o well-milled man.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

 “With this agreement kanina, we are hoping na talagang ma-sustain na hindi lang siya pili kundi ito talaga ang magiging standard na pag regular at well-milled (rice) talagang dapat hindi tataas ng ₱45 ang presyuhan dapat sa palengke,” aniya.

Sa kabilang banda, naging positibo naman ang pagtanggap ng mga rice seller sa bagong polisiyang ipinataw.

Kaya naman hindi raw malabong isunod na rin ang mga probinsiya sa pagpapatupad nito bagama’t posible umanong maapektuhan ang presyo ng bigas doon dahil sa naging pinsala ng mga dumaang bagyo.