January 22, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Trailer ng 'Saving Grace,' nagpaluha sa netizens

Trailer ng 'Saving Grace,' nagpaluha sa netizens
Photo Courtesy: Screenshots from Prime Video (FB)

Naantig ang puso ng maraming netizens nang ilunsad ang official trailer ng Philippine adaptation ng "Mother" mula sa Japan na may pamagat na "Saving Grace."

Sa Facebook post ng Prime Video PH nitong Huwebes, Nobyembre 7, masusulyapan nang bahagya ang posibleng tahakim ng kuwento Teacher Anna, na ginagampanan ni Julia Montes, at Grace, na ginagampanan naman ni Zia Grace. 

“Only a mother would drop everything for their child to see a brighter future. Sundan ang kuwento nila Teacher Anna at Grace,” saad sa caption.

Sa comment section, ibinahagi ng mga netizen ang kani-kanilang reaksiyon matapos mapanood ang trailer. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

"Mas nakakaiyak talaga pag Pinoy version kasi yong sa napanood ko Turkey version nakakaiyak din pero dahil need mo pa magbasa ng subtitles hindi masyado mabigat sa dibdib."

"Grabe naiyak na ako trailer pa lang.huhu"

"Mukang mas maganda to kesa dun sa napanood ko sa Korea"

"Trailer pa lang nakaka iyak na. Sana ipalabas din sa kapamilya channel."

"Goosebumps ang gagaling nila lahat Ang galing galing ni bebe Girl "

"Ang galing! "

"OMG!! araw araw nalang ako umiiyak sa mga filipino drama.. eto nanaman isa mukhang sasakit nanaman dibdib ko! Hayst! "

"kudos sa bata grabii!! ngayon ko palang sya nakikita sa pag acting pero grabiiiiiiiii walang tapon kayang kaya makipag sabayan! ang galing talaga mag hanap ng abs "

"wow ang galing nakakadala halos lahat ang GAGALING walang tapon. Yung Bata kahit baguhan grabe sa actingan nakka dala"

Magsisimulang mapanood nang eksklusibo ang nasabing serye sa online streaming platform na Prime Video sa darating na Nobyembre 28.

MAKI-BALITA: Julia Montes, 'Mother' na

MAKI-BALITA: Julia Montes, natakot sa mga co-star niya sa 'Saving Grace'