January 22, 2025

Home BALITA Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador
Photo courtesy: Philippine Embassy/website and pexels

Nagbigay ng babala si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel "Babe" Romualdez para sa mga Pilipinong ilegal daw na naninirahan sa Estados Unidos.

Sa isang online forum na isinagawa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2024, nagbabala si Romualdez sa mga Pinoy na umano’y ilegal na naninirahan sa naturang bansa dahil ito ay may kaugnayan sa pagkapanalo ni US President-elect Donald Trump.

“My advice to many of our fellowmen who actually are still here but cannot get any kind of status. My advice is for them not to wait to be deported,” ani Romualdez.

Matatandaang isa sa mga pangunahing plataporma ni Trump ang malawakang deportation sa Estados Unidos ng mga illegal migrants at pagpapaigting ng US borders.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Dagdag pa ng Philippine Ambassador, malaki raw ang posibilidad na isakatapuran ni Trump ang nasabing plataporma, lalo na’t ipinangako niya ito sa buong Estados Unidos.

“Because I can see that the administration of President Trump is really going to be very strict with the immigration policy that he intends to put in place because that is the promise he made to the American public,” saad ni Romualdez.

Ayon sa datos ng GMA Integrated News, tinatayang 4,640,313 ang naninirahan sa Estados Unidos, kung saan nasa 350,000 naman nito ang umano’y nananatiling ilegal o walang kaukulang papeles upang makapagtrabaho o mamuhay sa nasabing bansa.

Payo pa ni Romualdez, mas mainam daw na magkusa nang umuwi ang mga Pinoy na illegal immigrants bago pa tuluyang makapanungkulan si Trump sa Enero 2025.

“You can never come back to the United States. At least, if you leave, there is always the opportunity or a chance that you’ll be able to file,” anang Philippine Ambassador.

-Kate Garcia