November 21, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ken Chan, sinilbihan ulit ng arrest warrant; wala raw ulit sa bahay?

Ken Chan, sinilbihan ulit ng arrest warrant; wala raw ulit sa bahay?
Photo courtesy: Ken Chan/Instagram and pexels

Muli raw sinubukan ng mga pulisya na maghain ng warrant arrest sa Kapuso actor na si Ken Chan nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2024, ngunit bigo ang mga ito na matimbog ang aktor.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), pormal na umanong kinasuhan ng estafa ang aktor sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil daw sa kinasangkutan niyang P14M investment deal.

KAUGNAY NA BALITA: Nahaharap sa kasong estafa: Ken Chan, nagbebenta ng properties pambayad-utang?

Sa naging panayam din ng ilang mamamahayag kay Atty. Joseph Noel Estrada, kinumpirma niyang sangkot si Ken sa maanomalyang investment kung saan isang lalaking businessman daw ang nabiktima nito.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

“Investment scam na naging basehan ng complaint at nakitaan ng piskalya na maiakyat po sa korte at makasuhan ng syndicated estafa si Ken Chan kasama yung kaniyang mga co-accused,” ani Estrada.

Ayon daw kay Atty. Estrada, ilan daw sa ipinangakong profitable investment ni Ken sa naturang businessman noong 2022, ay restaurant at iba pang negosyo. Habang taong 2023 naman daw ng pormal nang maghain ang biktima ng reklamo laban kay Ken at sa iba pang kasama nito.

Nilinaw din ni Atty. Estrada na ito na raw ang ikalawang pagkakataon na pinuntahan nila ang tahanan ng aktor upang maisilbi ang warrant of arrest, matapos daw silang mabigo na matagpuan si Ken noong Setyembre 2024.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang naturang aktor hinggil sa kinasasangkutang kaso, bagama’t nananatili pa siyang aktibo sa kaniyang social media account na Instagram.