November 22, 2024

Home BALITA National

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit
Photo courtesy: House of Representatives/website, Manila Bulletin file photo

Nagbigay ng mensahe si House Speaker Martin Romualdez nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2024 tungkol sa paggunita ng ika-11 anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang ika-11 taong paggunita sa pagtama ng bagyong Yolanda

Nanawagan si Romualdez ng kooperasyon mula sa publiko hinggil sa climate change. 

Aniya, dapat daw ay maging alisto ang publiko maging ang kupwa niya politiko sa maaaring epekto nito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“It takes a whole-of-society approach to combat climate change effectively. We need everyone’s cooperation…We must be vigilant against climate change to protect our people from falling victim to such tragedies,” anang House Speaker.

Determinado rin aniya ang administrasyon na pagtibayin ang kahandaan ng bawat munisipalidad sa magiging epekto pa ng climate change.

“We are determined to equip our cities and municipalities with the resources they need to withstand the challenges posed by climate change,” saad ni Romualdez.

Iginiit din ni Romualdez na hindi na raw dapat pang maulit ang trahedyang sinapit ng bansa, partikular na ang rehiyon ng Eastern Visayas na lubhang pinadapa ng bagyong Yolanda noong 2013.

“Hindi na dapat maulit pa ang trahedyang naganap noong panahon ng Yolanda. Gaano man kalakas ang bagyong darating, dapat natin siguruhin na nakahanda ang ating mga kababayan,” giit ni Romualdez.

Matatandaang si Romualdez ang noo’y First District Representative ng Leyte na isa sa mga pinansala ng naturang bagyo na kumitil ng tinatayang 6,000 buhay.

Kate Garcia