January 23, 2025

Home BALITA National

Dahil sa ‘mental health issues’: Cassandra Ong nais may makasama sa Correctional

Dahil sa ‘mental health issues’: Cassandra Ong nais may makasama sa Correctional
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook

Humiling si Cassandra Ong sa House Quad Committee na kung maaari siyang magsama ng isang kaibigan sa Correctional Institution for Womens (CIW) kung saan siya nananatiling nakakulong.

Sa pagtatapos ng halos 15 oras na sesyon ng Quad Comm nitong Biyernes, 1:00 ng umaga, Nobyembre 8, 2024, binasa ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang umano’y “letter of request” daw ni Ong.

“The basis of this is she is suffering from severe mental breakdown and anxiety attacks, and currently in a state of severe depression,” ani Paduano.

Nakasaad din umano sa naturang letter na ipinauubaya na raw ng CIW sa komite ang magiging desisyon sa nasabing hiling ni Ong. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Nais naman ni House Quad Comm overall chairperson aT Surigao Del Norte Second District Rep. Robert Ace Barbers na makausap daw muna nila ang pamunuan ng CIW bago mapagbigyan ang hiling ng Ong.

“It is proper for us to confer with the CIW personnel with regards to the request of Miss Cassie Ong, considering she is under stress and would need a companion inside. If the CIW personnel and if the committee would subscribe and agree to that request,” saad ni Barbers.

Matatandaang naunang iginiit noon ni Ong na mas gugustuhin daw niyang makulong kaysa dumalo sa pagdinig ng senado, tungkol sa isyu na kaniyang kinasasangkutan sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kasama si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Samantala, iginiit naman ni Paduano na mas makakabuti raw na pahintulutan na aniya ang hiling ni Ong kaysa magkaroon pa raw ng hiwalay na pagdinig ang komite tungkol dito.

“I-go na natin kaysa naman mag-hearing pa tayo for this matter or wait for the next hearing,” ani Paduano. Habang “Psychiatrist assistance” naman ang naging suhestiyon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong para daw sa kasalukuyang sitwasyon ni Ong. 

Sa pangunguna ni Barbers, napagkasunduan ng komite na mas mainam na makipag-ugnayan daw ang committee secretary sa medial team ng mababang kapulungan, hinggil sa naturang suhestiyon ni Adiong upang matugunan ang hiling ni Ong.

Kate Garcia