November 22, 2024

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Ang ika-11 taong paggunita sa pagtama ng bagyong Yolanda

BALITAnaw: Ang ika-11 taong paggunita sa pagtama ng bagyong Yolanda
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

11 taon na ang nakalipas nang manalasa sa Pilipinas ang noo’y pinakamalakas na bagyo sa buong mundo, hanggang ngayon ay nananatili pa rin itong ginugunita para sa pag-alala sa ilang libong buhay na nasawi dulot nito.

Taong 2013 nang tumama ang bagyong Yolanda sa kalupaan ng Guiuan, Eastern Samar at sa loob lamang ng halos 24 oras ay nakaanim na landfall ang naturang bagyo na pinadapa ang rehiyon ng Eastern Samar.

Ayon sa mga tala, ang bagyong Yolanda ay may taglay na hangin na umabot sa 235 kilometers per hour sa paglandfall nito, at may pagbugsong 275 kilometers per hour.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, tinatayang nasa 6,300 ang bilang ng mga nasawi; 28,689 ang sugatan; 1,061 ang nawawala; at 3,424,593 ang kabuuang bilang ng naapektuhang pamilya. Bukod dito, umabot sa humigit-kumulang ₱100 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala ng Yolanda. 

BALITAnaw

ALAMIN: Bakit ‘Undas’ ang tawag sa 'All Saints' Day' sa Pilipinas?

Taon-taon, ilang kaanak ng mga nasawi dulot sa bagyong Yolanda ang pumupunta sa isang mass grave sa Tacloban City upang ipagtirik ng kandila at alayan ng bulaklak ang kanilang mga mahal sa buhay, bagama’t ang ilan sa mga katawan doon ay hindi na nabigyan ng pagkakakilanlan. 

Samantala, kaugnay ng paggunita sa ika-11 anibersaryo ng pagtama nito sa Eastern Visayas, ilang alkalde ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa kani-kanilang mga bayan, upang magbigay-daan sa naturang komemorasyon. 

Matatandaang taong 2019 din nang maaprubahan sa Kongreso ang ang House Bill No. 4960 na siyang nagtatakda ng “Yolanda Commemoration Day,” sa mga apektadang rehiyon ng Eastern Visayas. 

Samantala, sa Tacloban City, na isa sa mga pininsala ng bagyong Yolanda, pinangunahan ng alkalde ng naturang bayan na si Raymund Romualdez ang isang misa na isinagawa nitong Huwebes, Nobyembre 7, 2024. 

Inihayag din ng Tacloban City Information Office ang pagsasagawa ng isang pormal na misa sa Yolanda mass grave sa lungsod, nitong Biyernes ng umaga, Nobyember 8, na siyang dinaluhan din ng ilang kaanak ng mga biktima.

Kate Garcia