November 22, 2024

Home BALITA

Romualdez, umaasang pagtitibayin ni Trump maritime security sa West Philippine Sea

Romualdez, umaasang pagtitibayin ni Trump maritime security sa West Philippine Sea
Photo courtesy: Martin Romualdez, Donald Trump/Facebook

Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez kay US President-elect Donald Trump, hinggil sa pagkapanalo nito sa katatapos pa lamang na US Presidential Elections noong Nobyembre 6, 2024 (araw sa Pilipinas).

Sa kaniyang opisyal na Facebook account, ipinaabot ni Romualdez ang kaniyang mensahe kay Trump. 

“On behalf of the House of Representatives and the Filipino people, I extend warm congratulations to President-elect Donald Trump on his recent victory,” ani Romualdez.

Kaugnay nito, isinaad din ni Romualdez na umaasa raw siyang bibigyang prayoridad din ni Trump ang pagpapaigting ng maritime security at regional stability sa West Philippines Sea. 

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We are optimistic that under President Trump, maritime security and regional stability will remain priorities, especially in the West Philippine Sea,” saad ni Romualdez.

Matatandaang hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang joint exercises ng hukbong sandatahan ng Pilipinas at Estados Unidos, gayundin ang joint military patrol sa West Philippine Sea, kasabay ng nananatiling territorial dispute ng bansa kontra China. 

“The Philippines values a strong defense partnership with the U.S., supporting peace and stability across the Indo-Pacific,” dagdag pa ni Romualdez.

Samantala, matatandaang nauna na ring bumati kay Trump si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong Nobyembre 6, ilang oras bago ang tuluyang kumpirmasyon ng resulta ng naturang US Presidential elections. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagpaabot ng pagbati sa nagwaging si Donald Trump

Kate Garcia