November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

Ibinida ng Kapamilya star na si Daniel Padilla ang pagsusuot niya ng "Indian headdress" habang nakasuot ng shades, sa kaniyang latest Instagram post noong Martes, Nobyembre 6.

Makahulugan din ang caption dito ni DJ na, "Nothing left for me to do but dance!"

Bagama't naka-limit lamang ang mga puwedeng magkomento sa comment section, bumaha naman ng papuri mula sa mga netizen ang get-up ni Deej.

"Wow! My guy!"

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Woah woah!"

"Nagpost. Rare."

"haneeeep!!!!!"

"igop!"

Pero sa entertainment site na "Fashion Pulis," iba-iba naman ang naging komento rito ng mga netizen. May ilang grupo pa nga na nagtalo-talo tungkol sa pagsusuot niya ng headgear na hindi raw dapat ginagawang costume bilang respeto sa kultura ng ibang lahi.

"That's not a costume. Respect their culture," sabi ng isang commenter.

Basag naman ng isang netizen, "Ito nanaman si pa-woke. Wala naman ginawang disrespectful. Nagpicture lang."

Pero sansala naman ng isang netizen, sang-ayon siya sa sinabi ng unang commenter. "Yes. That's right. Kulang sa edukasyon tong taong to. Basta na lang nagsusuit ng ganito."

"True! especially in Canada -disrespectful to wear indigenous headdress," segunda pa ng isa.

"Respect Indigenous people. Here in Canada, may compulsary Indigenous course pa kami sa work," saad naman ng isa pa.

Pero kung maraming sumita, marami rin naman ang nagtanggol para kay DJ.

"I don't like Daniel pero naman teh ang OA nyo. Andaming Indian costumes dyan sa tabi tabi lang! anebey nasobrahan sa pagka OA tong mga taong to. mga wala namang ambag sa lipunan!"

"Funny how those people who are offended and crying about cultural appropriation aren't even part of the tribe. Let the Native Americans speak for themselves!"

"Sa united nations day nga ibat ibang kasuotan sa ibang mga bansa sinusuot ng mga studyante at guro. Ano bawal din yon? For sure d naman nila alam mga culture ng ibang bansa, for school compliance lang yan!"

"Masyadong matatalino mga tao ngayon hehehe. Ok lang 'yan. Wala naman nag-call out na native Americans, bakit mga Pinoy ang ngumangalngal?"

"Kung ganun pala na bawal sana pala hindi yan available to own or purchase or borrow everytime you obtain sana may nakalagay please avoid taking picture of self wearing the gear.explanation background respect chu chu etc. for whatever ocassion or sana ginawa na lang exclusive na pang museum lang. Hindi lahat based sa Canada and hindi nya yan ginawa kung saan nanggaling yung tribo which is dito sa Pilipinas na hindi naman pinaggslingan ng tribo karamihan naman hindi aware sa background nyan at nakikita lang din sa iba as costume sa mga TV shows Movies or music. Kung nakatira kayo sa Canada Edi wow sa inyo may training kayo sa awareness and sensitivity dyan common yan pero DITO HINDI. mas common as costume and you and I know hindi nya yan ginawa out of disrespect. Bago kayo kumuda sabihan ipagbawal nyo na lang pag benta nyan

Or paano makuha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Daniel tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.