November 07, 2024

Home FEATURES Trending

Netizen na siningil ng manliligaw sa ₱7k bill ng date nila, sinabihang 'PG' at 'mapagsamantala'

Netizen na siningil ng manliligaw sa ₱7k bill ng date nila, sinabihang 'PG' at 'mapagsamantala'
Photo courtesy: Freepik

Pumalag na ang netizen sa likod ng viral Facebook post sa isang page na nagbahagi ng kaniyang karanasan tungkol sa kaniyang manliligaw na bigla na lamang naningil ng kaniyang ambag para sa kanilang date.

Batay sa anonymous post ng netizen sa Facebook page na "TCU Secret Files" noong Oktubre 31, na itinago sa pangalang "Keshaxxx," inaya raw siya ng kaniyang manliligaw sa isang date at pumayag naman siya.

"Not here to rant or to sumbat. Gusto ko lang po malaman kung normal lang po ba yung ganto?" mababasa sa kaniyang post.

"Sabi nya kasi sakin eh libre naman daw nya po ako. Manliligaw ko po sya and di ako yung nagyaya. Sya din nag decide kung saan kami kakain pero parang naparami nga ata yung mga inorder ko. First time makakain ng medium rare na steak kaya inabuso ko na. Di ko akalain aabot ng ganyan yung bill."

Trending

Kilalanin si Donald Trump at ang muli niyang pagbalik bilang Pangulo ng Estados Unidos

"Dapat ko po ba syang hatian sa bills? Or ighost ko na lang? Di ko lang to napagbigyan sa kiss nung hinatid ako biglang nag iba ihip ng hangin e," sey ng sender.

Sa post, makikita ang screenshot ng kanilang pag-uusap na sinisingil nga siya ng kaniyang manliligaw dahil umabot daw sa ₱7,000 ang kanilang bill.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, at habang isinusulat ang artikulong ito, ay umabot na sa 94k reactions, 16k shares, at 7.9k comments ang nabanggit na post.

Napaulat din ito sa iba't ibang media outlets at social media pages.

Sa panibagong update tungkol dito noong Nobyembre 3, nakiusap si Keshaxxx na maghinay-hinay naman daw sa mga harsh comment na ibinabato sa kaniya ng netizens.

May mga nagsasabi kasing "PG" o "patay-gutom" siya at mapagsamantala.

Hindi raw niya akalaing lalaki at lalala ang kaniyang post.

"I'm gonna be honest, that wasn't the reactions/comments that I was expecting. Nagtatanong lang naman ako kung normal yung ganon since sa ganoong environment ako lumaki," aniya.

"Sa mga nagsasabing PG or mapagsamantala ako, kung natikman nyo kung gaano kasarap yung kinain namin baka mas malaki pa yung bill nyo kaysa sakin."

"Pareho lang kaming may mali right? Siya nagdala sakin dun and nagpumilit magyaya ng dinner sakin para magpasikat. I can safely say na mayaman sya, tingin ko nabadtrip lang talaga siya kasi di ko napagbigyan sa kiss sa pisnge na hinihingi nya."

"So please, konting bawas naman po sana sa harsh comment, nagconfess po ako dito sa page para lang makakuha ng 2nd opinion or insights sa ibang tao."

"P.S: If you will date me, you'll be also dating my furbaby. Inggit lang kayo kasi sya nakakain na ng steak," aniya.

Kalakip ng post ang screenshot ng mga ipinadala niyang mensahe sa manliligaw, na tila sinisisi ito kung bakit siya ngayon bina-bash.

Kung hindi raw sana siya dinala sa steakhouse at sinabihang ililibre, hindi raw sana siya makatatanggap ng harsh comments ngayon. Isa pa sa mga ikinasama raw niya ng loob ay ang claim nitong ni piso ay hindi raw siya nagbayad.

Katwiran naman niya, bakit daw siya magbabayad gayong sinabi nga ng manliligaw na treat niya ang kanilang pagkain sa labas.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Regardless kung masarap man o hindi ang kinain mo, have some decency and manners naman kahit papano. It only reflects kung anong klaseng bearing at orientation ang naituro satin ng parents natin at home. Huwag natin ijajustisfy ang status ng isang tao and use the opportunity to indulge yourself. For short, konting kahihiyan naman. And for me, kahit gano pa kasarap ang nasa hapag kainan, I will eat politely."

"Basic etiquette, pag nilibre piliin lagi ang pinakamura."

"Jusko. Steak normal steak lang un. Kumain din nman ako ng ibat ibang steak may dry age pa pero hindi nman ako ganyan.

And fur parent din ako pero never ko ipag take out alaga ko in the expense of others."

"I wonder where the guy brought this girl. If it's like one of the bistro restaurants then I can say 7k+ is too much for two. Kasi pag nagde date kami ng BF ko, around 4k lang ang bill namin. Partida 11oz sirloin steak ung order ng bf ko, plus ung meal and dessert ko. Ibig sabihin, too much talaga ung order ng girl kahit na sabihin na libre ni guy. Ginawang last supper ang date, be considerate sa magbabayad girl."

"Wag mo lahatin girl ikaw yan, iba kami Nakapagbasa kami ng table manners and dating etiquette"

"'kung natikman nyo kung gaano kasarap yung kinain namin baka mas malaki pa yung bill nyo kaysa sakin.' - Girl marunong kaming mahiya hahahahaha."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 21k reactions, 2.5k shares, at 4k comments ang nabanggit na viral FB post.

----------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.