November 07, 2024

Home BALITA

‘Mata' ni bagyong Marce, nakuhanan daw ng litrato sa Cagayan

‘Mata' ni bagyong Marce, nakuhanan daw ng litrato sa Cagayan
Photo courtesy: Cagayan Provincial Information Office, DOST-PAGASA/Facebook

Ilang larawan ng umano’y mata ng bagyong Marce ang nakuhanan sa pagdaan nito sa Sta. Ana, Cagayan nitong Huwebes, Nobyembre 7, 2024.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Cagayan Provincial Information Office nitong Nobyembre 7, nagliwanag umano ang kalangitan matapos dumaan ang “eyewall” ng bagyong Marce sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan nitong Huwebes bandang 3:40 ng  hapon.

“Nagliwanag ang kalangitan nang tumama ang eyewall ng bagyong “Marce” sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan bandang 3:40 ngayong hapon ng Nobyembre 07, 2024,” anang ahensya. 

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naglandfall ang bagyong Marce sa Sta. Ana, Cagayan nitong Huwebes.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

Kasalukuyang nakataas sa Signal no.4 ang ilang bayan sa Cagayan, kabilang ang Sta. Ana na malapit sa mismong sentro ng bagyo. 

BASAHIN: Marce, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan!

Ayon sa ulat ng isang local news outlet, tinatayang nasa 919 pamilya na ang nailikas at kasalukuyang nasa evacuation center sa Cagayan.

Kate Garcia