December 09, 2024

Home BALITA National

Marce, lalo pang lumakas habang papalapit na sa Northeastern Cagayan

Marce, lalo pang lumakas habang papalapit na sa Northeastern Cagayan
Courtesy: PAGASA/FB

Lalo pang lumakas ang bagyong Marce habang papalapit na ito sa Northeastern Cagayan, ayon sa 11:00 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 7.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce 115 kilometro ang layo sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 4

- Northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kabilang na ang Babuyan Islands

- Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol)

- Northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos)

Signal No. 3

- Batanes

- Mga natitirang bahagi ng Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

- Northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued)

- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)

Signal No. 2

- Northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan)

- Mga natitirang bahagi ng Abra

- Kalinga

- Mountain Province

- Northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan)

- Northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan)

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)

Signal No. 1

- Mga natitirang bahagi ng La Union

- Pangasinan

- Mga natitirang bahagi ng Ifugao

- Mga natitirang bahagi ng Benguet

- Mga natitirang bahagi ng Isabela

- Quirino

- Nueva Vizcaya

- Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan)

- Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

Base sa forecast track ng PAGASA, magla-landfall o tatawid ang bagyong Marce sa Babuyan Islands at/o sa northern portions ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao (o dadaan na malapit sa mga lugar na ito) mula mamayang tanghali hanggang bukas ng madaling araw, Nobyembre 8.

Gayunpaman, sinabi ng weather bureau na anuman ang landfall area, mararanasan ang mga potensyal na “life threatening conditions” sa Babuyan Islands at sa northern portions ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao dahil sa typhoon-force winds, storm surge inundation, at torrential rainfall.

Posible naman daw humina ang bagyo simula mamayang tanghali dahil sa posibleng interaksyon nito sa kalupaan ng mainland Luzon sa pag-landfall o paglapit nito sa lugar, bagama't mananatili ito sa “typhoon” category sa buong pagdaan nito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) region.

Maaaring lumabas ng PAR ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.