January 03, 2025

Home BALITA

Limang LRT-1 extension, magbubukas na ngayong Nobyembre!

Limang LRT-1 extension, magbubukas na ngayong Nobyembre!

Nakatakdang saluhin ng Phase 1 ng LRT-1 extension ang libo-libong mga pasahero sa paparating na holiday season, dahil sa pagsisimula ng operasyon nito ngayong buwan ng Nobyembre 2024.

Sa press briefing na isinagawa nitong Huwebes, Nobyembre 7, 2024, kinumpirma ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang nasabing operasyon ng LRT 1-extension.

“And we will open this line within the next maybe two to three weeks. This is within November. This will be the first railway project to be completed within the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr.,” ani Bautista.

Limang panibagong stations ang madaragdag sa kasalukuyang estasyon ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Fernando Poe Jr. station (dating Balintawak).

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

1. Redemptorist Station

2. MIA Station

3. Asia World (PITX) Station

4. Ninoy Aquino Station

5. Dr. Santos (Sucat) Station

Ayon sa Light Rail Manila Corp., tinatayang nasa 80,000 karagdagang mga pasahero ang mapaglilingkuran ng limang bagong istasyon, mula sa 320,000 commuters na naisasakay daw ng LRT-1 kada araw.

Samantala, hindi naman nabanggit sa nasabing briefing kung kailan magsisimula ang operasyon ng Phase 2 at 3 ng LRT 1- extension, na binabaybay naman ang kahabaan ng Las Piñas at Bacoor sa Cavite. Matatandaang nagsimula ang konstruksyon ng LRT-1 extension noong Setyembre 2019, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kate Garcia