November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathleen nanindigan sa pananaw sa Labubu craze: 'I don't find it cute!'

Kathleen nanindigan sa pananaw sa Labubu craze: 'I don't find it cute!'
Photo courtesy: Screenshots from Kathleen Hermosa (IG)

Ipinaliwanag ng aktres na si Kathleen Hermosa ang kaniyang nag-viral na Facebook post patungkol sa kinagigiliwan ngayong "Labubu craze" na ginagawang koleksyon ngayon ng mga sikat na celebrity gaya nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Ruffa Gutierrez, Andrea Brillantes, Jinkee Pacquiao, Vice Ganda, at iba pa.

Matatandaang may naglalabasang conspiracy theory na ang Labubu ay hindi dapat tangkilikin ng Christians, dahil cute at adorable man daw ito sa paningin, subalit ito raw ay "devil's pet."

MAKI-BALITA: Mga Kristiyano, binalaan; Labubu Dolls, likhang demonyo?

Bilang isang Christian, ni-reshare ni Kathleen ang isang Facebook post patungkol dito.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Be vigilant guys," aniya sa caption.

Pahabol pa ni Kathleen sa comment section, "Ang tulis pa! Parang nagplan magveneers pero di tinuloy ni Doc Dentist kasi nagbounce ang payment na cheque! Hay, dami na interpretation at times in my head!!"

MAKI-BALITA: Kathleen Hermosa, ni-reshare post tungkol sa Labubu bilang 'devil's pet'

Ilan sa mga netizen naman ang natawa na lamang sa nabanggit na claim, na wala raw basehan.

Kabilang ang mga labubu sa The Monsters Series na inspirasyon naman sa Nordic Mythology na kinahiligan naman ni Kasing Lung habang siya ay nagkaka-edad.

Noong 2019 ay nakipagsosyo siya sa Chinese toy company na "Pop Mart" para sa manufacturing ng Labubu Dolls.

Ngayong 2024, lubusang nauso ang pangongolekta ng Labubu Dolls.

PALIWANAG NI KATHLEEN

Nakarating daw sa kaalaman ni Kathleen na marami ang nag-react at nabalita pa nga ang kaniyang post patungkol sa Labubu craze, ayon sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 7.

Sa totoo raw, masaya raw si Kathleen dahil patok ngayon ang Labubu at nagbibigay ito ng kasiyahan sa maraming tao, lalo na ang mga kolektor nito.

Wala raw intensyon si Kathleen na manermon o mag-insinuate ng kahit ano, kung nasisiyahan daw ang marami sa pangongolekta ng Labubu dolls.

Ang intensyon daw niya sa kaniyang pagsasalita ay para ipaliwanag ang kaniyang stand patungkol sa nakatagong kahulugan at simbolo ng Labubu.

Pero para sa kaniya, "I don't find it cute!"

Lalo na raw nang makita niya ang isang Labubu doll na may nakatatak na "666."

Ang numerong 666 ay associated sa mga demonyo at kay Satanas, sinasabing kalaban ng Diyos at siyang "Hari ng Kasamaan."

Para sa kaniya, kahit doll lamang ito, maaari kasi itong mag-penetrate sa utak ng isang tao kaya nararapat lamang na ingatan ang isip sa mga bagay na tinatangkilik.

Bilang isang Kristiyano, umiiwas daw si Kathleen sa mga bagay na alam niyang hindi magbibigay ng glory o kapurihan kay Hesukristo.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang mga celebrity na nangongolekta ng Labubu dolls.