November 07, 2024

Home BALITA

Kamala Harris tanggap na pagkatalo kay Donald Trump

Kamala Harris tanggap na pagkatalo kay Donald Trump
Photo courtesy: via Kamala Harris (FB)/Donald Trump (FB)

Nag-concede na si incumbent US Vice President Kamala Harris sa pagkatalo niya sa pinakamahigpit niyang katunggali sa pagkapangulo ng Amerika na si US President-elect Donald Trump, matapos itong pormal at opisyal na i-anunsyo bilang panalo sa naganap na US Presidential Elections 2024.

Ayon sa pahayag ni Harris, sa kaniyang concession speech, nararapat umanong tanggapin kung anuman ang naging resulta ng halalan. Nagkausap na rin umano sina Harris at Trump, at sinabi niya raw sa President-elect na nakahanda siyang tumulong sa kampo nito para sa matiwasay na "transfer of power."

"We must accept the results of this elections," pahayag ni Harris, sa kaniyang pagtatalumpati sa Howard University na kaniyang alma mater, Miyerkules, Nobyembre 6 (oras sa Amerika).

"Earlier today, I spoke with President-elect Trump and congratulated him on his victory."

Internasyonal

Joe Biden kay Kamala Harris: ‘Her story represents the best of America’s story’

"I also told him that we will help him and his team with the transition, and we will engage in a peaceful transfer of power."

Ang pinakaprinsipyo raw ng isang American democracy ay tanggapin ang anumang resulta ng pagkatalo sa isang eleksyon.

"A fundamental principle of American democracy is that when we lose an election, we accept the results. … At the same time, in our nation, we owe loyalty not to a president or a party, but to the Constitution of the United States, and loyalty to our conscience and to our God," aniya.

"My allegiance to all three is why I am here to say: While I concede this election, I do not concede the fight that fueled this campaign,” pahayag pa niya.

Si Harris ang VP ni incumbent US President Joe Biden na siya namang nagwagi noong US Presidential Elections 2021 at natalo si Trump.

Si Trump naman ang ika-47 US President na nakabalik sa posisyon matapos ang panunungkulan noong 2017 hanggang 2021.