Nagpaabot ng pagbati si dating Pangulong Rodrigo Duterte para kay United States (US) President-elect Donald Trump.
Matatandaang nitong Miyerkules, Nobyembre 6, nang magwagi si Trump sa halalan kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris.
“I extend my warm congratulations on your election as President of the United States of America,” pagbati naman ni Duterte sa isang pahayag nito ring Miyerkules.
Sinabi rin ng dating pangulo ng Pilipinas na umaasa siyang magdadala ang bagong mandato ni Trump ng “renewed optimism” at “strength” sa mga mamamayan ng US.
“I look forward to the success of your administration and to our shared aspirations for greater peace and prosperity for our countries and peoples,” ani Duterte.
“Please accept the assurances of my highest consideration,” dagdag pa niya.
Si Trump ang ika-47 pangulo ng US at minsan na ring namuno sa naturang bansa mula 2017 hanggang 2021.
BASAHIN: Kilalanin si Donald Trump at ang muli niyang pagbalik bilang Pangulo ng Estados Unidos