December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'13 years with the love of my life!' Pauleen Luna, pipiliin si Vic Sotto araw-araw

'13 years with the love of my life!' Pauleen Luna, pipiliin si Vic Sotto araw-araw
Photo courtesy: Pauleen Luna Sotto/Instagram

Isang maikling mensahe ang ibinahagi ng dating Eat Bulaga host na si Pauleen Luna, tungkol sa ika-13 taong anibersaryo daw ng pagiging mag-asawa nila ng mister na si Vic Sotto.

Sa kaniyang Instagram post, flex na flex ni Pauleen ang ilan sa mga sweet photos nila ng TV host at komedyanteng si Vic. 

“13 years with the love of my life,” ani Pauleen sa caption.

Sinundan din niya ito ng isa pang matipid na mensahe at sinabing araw-araw niya raw pipiliin ang kaniyang mister.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I will always choose you in all the days of our lives. I love you!”

Matatandaang taong 2016 nang magpalitan ng sumpaan sina Vic at Pauleen Luna na ngayo’y mayroong dalawang anak. 

Nagkakilala ang dalawa sa longest reality noontime show sa bansa na Eat Bulaga, matapos sumali ni Pauleen sa segment na Little Miss Philippines taong 1995 at taong 2005 naman nang maging regular host siya rito. Tinatayang nasa 34 taon ang age-gap ng dalawa.

Kate Garcia