Maagang nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa "projected" US president-elect na si Donald Trump, na lamang na lamang na sa bilangan.
Sa official Facebook page ni PBBM, inihayag niya ang kaniyang pagbati at mensahe para kay Trump.
“President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” ani Marcos.
Inaasahan din ni PBBM na magkakaroon sila ng pagkakataong magkatrabaho ni Trump, lalo na sa pagtugon daw ng mahahalagang isyung matagal ng itinataguyod ng samahan ng Pilipinas at Amerika.
“We look forward to working with President Trump on a wide range of issues that will yield mutual benefits for two nations with deep ties, shared beliefs, a common vision, and a long history of working together.” anang Pangulo.
Umaasa rin daw si Marcos na mas mapapatibay pa ang alyansa ng bansa at Amerika sa ilalim ng muling pamumuno ni Trump, lalo na’t pareho daw sila ng mga "ideals" pagdating sa bansa, gaya ng kalayaan at demokrasya.
“This is a durable partnership to which the Philippines is fully committed, because it is founded on the ideals we share: freedom and democracy."
“Congratulations, President Trump!” pagbati ni Marcos sa dulo ng opisyal na mensahe.
Si Trump ay muling nagbabalik sa posisyon matapos ang apat na taon.
Siya ang ika-45 Presidente ng Estados Unidos, na namuno noong 2017 hanggang 2021.
Isa sa mga inihaing pangako ni Trump sa mga Amerikanong botante ay ang pagpigil sa giyerang kinasasangkutan ng US, gaya ng pagtulong sa bansang Ukraine kontra Russia, na tinutulungan naman ng North Korea.
Kate Garcia at Richard de Leon