Tukoy na ng Land Transportation Office (LTO) ang registered owner ng puting SUV na ilegal na pumasok sa EDSA busway sa Guadalupe kamakailan, at may peke umanong plate number 7.
KAUGNAY NA BALITA: Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas
Ayon kay LTO chief Asec. Vigor Mendoza II, nakarehistro sa isang kompanyang Orient Pacific Corporation ang naturang SUV.
Nitong Miyerkules, Nobyembre 6, iniharap ng LTO sa media ang driver at ang direktor ng naturang kompanya.
Umamin ang driver na kinilalang si Angelito Edpan sa ginawa niyang pagkakamali. Dahil dito, tinikitan siya ng LTO dahil sa paggamit ng EDSA busway sa bahagi ng northbound Guadalupe station noong Nobyembre 3.
Gayunman, aabot sa ₱9000 ang multang babayaran ni Edpan dahil sa patong-patong na paglabag sa naturang insidente.
Paglilinaw ni Mendoza, ito ay preliminary findings pa lamang ng LTO base sa pag-amin ng driver ng SUV. Mag-iisyu rin daw sila ng show cause order at patuloy pang iimbestigahan ang insidente.
KAUGNAY NA BALITA: Plate number 7 ng SUV na ilegal na pumasok sa EDSA busway, peke—LTO
---
***Ito ay isang developing story